Sweldo calculator 2026
Ilagay ang sahod mo at makikita mo agad ang take-home pay pagkatapos ng SSS, PhilHealth, Pag-IBIG at withholding tax, kada cutoff at kada buwan. Ito rin ang engine ng payroll namin, gamit ang mga table na umiiral ngayon.
Ang sahod mo
Walang income tax sa basic pay, holiday pay, overtime at night differential. Pero may SSS, PhilHealth at Pag-IBIG pa rin.
- Take-home pay
- SSS
- PhilHealth
- Pag-IBIG
- Withholding tax
| Item | Buwan |
|---|---|
| Basic pay | ₱30,000.00 |
| Gross pay | ₱30,000.00 |
| SSSRegular ₱1,000.00 + MPF ₱500.00 | −₱1,500.00 |
| PhilHealth | −₱750.00 |
| Pag-IBIG | −₱200.00 |
| Withholding tax | −₱1,007.55 |
| Take-home pay | ₱26,542.45 |
Tantya ito para sa buong buwang pasok. Nakadepende ang aktwal na sahod sa attendance, leave, overtime at kung paano hinahati ng employer ang kaltas sa bawat cutoff.
Ang binabayaran ng employer
Bukod pa sa sahod, kada buwan
- SSS employer share
- ₱2,000.00
- SSS MPF, employer
- ₱1,000.00
- SSS EC (employees’ compensation)
- ₱30.00
- PhilHealth employer share
- ₱750.00
- Pag-IBIG employer share
- ₱200.00
- Employer contributions
- ₱3,980.00
Sa buong taon
Labindalawang buwan at ang 13th month
- Sahod at allowances, 12 buwan
- ₱360,000.00
- 13th month payWalang tax: pasok sa ₱90,000 na ceiling
- ₱30,000.00
- SSS, PhilHealth at Pag-IBIG
- −₱29,400.00
- Income tax sa buong taon
- −₱12,090.00
Bawat linya, at ang patakaran sa likod nito
Galing ang mga numero sa itaas sa mga patakarang ito, na umiiral noong 29 Setyembre 2026. Palitan ang sahod at susunod din sila.
- Monthly salary credit (MSC): ₱30,000.00, ang bracket para sa sahod na ₱30,000.00.
- Regular: ₱20,000.00 × 5% = ₱1,000.00.
- MPF: ang ₱10,000.00 ng MSC na lampas ₱20,000 × 5% = ₱500.00.
- Employer: 10% ng MSC at ₱30 na EC = ₱3,030.00.
Batayan: SSS contribution schedule 2025 · RA 11199 (Social Security Act of 2018), SSS Circular 2024-006
- Base: ₱30,000.00, ang basic salary na hindi bababa sa ₱10,000 at hindi lalampas sa ₱100,000.
- Premium: ₱30,000.00 × 5% = ₱1,500.00, hati kayo: ₱750.00 sa iyo, ₱750.00 sa employer.
Batayan: PhilHealth premium 2024 onward · RA 11223 (UHC Act) premium schedule; PhilHealth Advisory No. 2025-0002
- Base: ₱10,000.00, ang sahod hanggang ₱10,000.
- Ikaw: 2% = ₱200.00. Employer: 2% = ₱200.00.
Batayan: Pag-IBIG contribution, Feb 2024 onward · HDMF Circular No. 460
- Taxable income = gross pay − SSS, PhilHealth at Pag-IBIG − non-taxable pay = ₱27,550.00 para sa buong buwan.
- Sa monthly table, bracket na lampas ₱20,833: ₱0 dagdag ang 15% ng sobra. 15% × ₱6,717.00 = ₱1,007.55.
Batayan: BIR withholding tax tables, 2023 onward · RA 10963 (TRAIN), RR 8-2018 Annex D (2023 rates)
- 1/12 ng basic salary sa buong taon (₱360,000.00) = ₱30,000.00.
- Walang tax hanggang ₱90,000 kada taon, kasama ang iba pang bonus at benepisyo.
Batayan: Non-taxable ceilings, RR 29-2025 · RA 10963 Sec. 32(B)(7)(e); RR 29-2025 de minimis ceilings
Paano i-compute ang withholding tax sa sahod
Ang withholding tax ay ang income tax na kinakaltas ng employer sa bawat payslip at ibinabayad sa BIR. Ito ang computation para sa sahod sa itaas, isa-isang hakbang.
- 1
Magsimula sa taxable na sahod
Basic pay ₱30,000.00 = ₱30,000.00.
- 2
Ibawas ang SSS, PhilHealth at Pag-IBIG
₱1,500.00 + ₱750.00 + ₱200.00 = ₱2,450.00. Walang tax ang sarili mong contributions.
- 3
Iyan ang taxable income mo
₱30,000.00 − ₱2,450.00 = ₱27,550.00.
- 4
Hanapin ang bracket sa monthly table
Nasa pagitan ng ₱20,833 at ₱33,333 ang ₱27,550.00: ₱0 dagdag ang 15% ng sobra sa ₱20,833.
- 5
I-compute ang tax
15% × (₱27,550.00 − ₱20,833) = 15% × ₱6,717.00 = ₱1,007.55.
BIR withholding tax table, monthly
BIR withholding tax tables, 2023 onward · RA 10963 (TRAIN), RR 8-2018 Annex D (2023 rates)
| Taxable income kada buwan | Withholding tax |
|---|---|
| ₱0 – ₱20,833 | Wala |
| ₱20,833 – ₱33,333 | 15% ng sobra sa ₱20,833Ikaw |
| ₱33,333 – ₱66,667 | ₱1,875 + 20% ng sobra sa ₱33,333 |
| ₱66,667 – ₱166,667 | ₱8,541.80 + 25% ng sobra sa ₱66,667 |
| ₱166,667 – ₱666,667 | ₱33,541.80 + 30% ng sobra sa ₱166,667 |
| ₱666,667 pataas | ₱183,541.80 + 35% ng sobra sa ₱666,667 |
Pagdating ng Disyembre, ikinukumpara ng employer ang nakaltas sa buong taon sa tax sa annual table, at inaayos ang diperensya sa payslip na iyon.
Mga tanong tungkol sa sahod at kaltas
Ano ang take-home pay?
Ang take-home pay, o net pay, ang pumapasok sa account mo sa araw ng sahod: gross pay (basic pay at allowances) bawas ang SSS, PhilHealth at Pag-IBIG contributions mo at ang withholding tax. Kinakaltas din ang loans at iba pang deductions, pero hindi na iyon kasama sa calculator na ito.
Paano kinocompute ang SSS contribution?
Ang buwanang sahod mo ay nasa isang bracket na may katumbas na monthly salary credit (MSC), mula ₱5,000 hanggang ₱35,000. 5% ng MSC ang sa iyo at 10% ang sa employer, dagdag ang ₱10 o ₱30 na EC. Ang bahagi ng MSC na lampas ₱20,000 ay napupunta sa Mandatory Provident Fund (MPF), kasama na sa parehong rates. Sa pinakamataas, ₱1,750 kada buwan ang share mo.
Magkano ang PhilHealth contribution ngayong 2026?
5% ng basic monthly salary mo, na may floor na ₱10,000 at ceiling na ₱100,000, hati kayo ng employer. Mula ₱250 hanggang ₱2,500 kada buwan ang share mo.
May tax ba ang 13th month pay?
Wala hanggang ₱90,000 kada taon, kasama ang iba pang bonus at benepisyo. Ang lampas lang sa ₱90,000 ang idinadagdag sa taxable income mo.
May income tax ba ang minimum wage earner?
Wala sa minimum wage, holiday pay, overtime pay, night differential at hazard pay. Kinakaltasan pa rin ng SSS, PhilHealth at Pag-IBIG, at may tax pa rin ang ibang taxable pay gaya ng commission o taxable allowances.
Paano gawing buwanang sahod ang daily rate?
I-multiply ang daily rate sa bilang ng bayad na araw sa isang taon at i-divide sa 12: 261 kung Lunes hanggang Biyernes, 313 kung Lunes hanggang Sabado, 365 kung bayad pati rest days. Halimbawa, ₱800 × 313 ÷ 12 = ₱20,866.67 kada buwan.
Paano hinahati ang kaltas kung kinsenas at katapusan ang sahod?
Buwanan ang SSS, PhilHealth at Pag-IBIG. Karamihan ng employer ay kalahati ang kinakaltas kada cutoff; ang iba, buo sa kinsenas o buo sa katapusan. Ang withholding tax ay kinocompute sa taxable income ng bawat cutoff gamit ang semi-monthly table.
Ikaw ba ang nagpapasahod sa team?
Ginagawa ito ng Causaro para sa bawat empleyado, bawat cutoff, kasama ang attendance, leave, overtime at holidays, at handa na ang payslips at government files sa dulo.