Susunod na sahod: katapusan, Set 30 · bukas na

Kinsenas atkatapusan,walang sablay.

Kabisado na ang SSS at MPF

Attendance, leave, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG at BIR, iisang sistema na lang. I-check mo ang numbers, ipa-approve, at kusa nang lalabas ang payslips at government files.

  • Kinsenas o buwanan
  • Pwedeng lumipat kahit kalagitnaan ng taon
  • Walang password, code sa email lang
Regular holiday · 200%Pumasok sa special day · 130%Pumasok sa rest day · 130%Night differential · +10%Overtime · +25%Holiday na tumapat sa rest day · 260%13th month · 1/12 ng basicBonus na tax-free hanggang ₱90,000Regular holiday · 200%Pumasok sa special day · 130%Pumasok sa rest day · 130%Night differential · +10%Overtime · +25%Holiday na tumapat sa rest day · 260%13th month · 1/12 ng basicBonus na tax-free hanggang ₱90,000
SSS kasama ang MPFPhilHealth 5%, hatiPag-IBIG hanggang ₱10,000TRAIN withholdingAnnualization sa dulo ng taonBIR 23161601-CDe minimis ceilingsMinimum wage earnersSSS kasama ang MPFPhilHealth 5%, hatiPag-IBIG hanggang ₱10,000TRAIN withholdingAnnualization sa dulo ng taonBIR 23161601-CDe minimis ceilingsMinimum wage earners
Paano gumagana

Isang encode lang. Kusa nang susunod ang lahat.

Sundan natin ang isang absence. Walang mag-e-encode ulit, walang maghahagilap sa spreadsheet, at lalabas ito kung saan dapat.

  1. Attendance

    Clock-in, o bayad nang buo ang lahat at exceptions lang ang ilalagay.

    Ana, absent noong Martes
  2. Leave

    Magiging leave without pay ito sa record niya. Bayad naman ang approved na leave.

    LWOP · 1 araw
  3. Payroll run

    Bawas na ang isang araw sa sahod niya. Chine-check, kino-compute, at ibang tao ang nag-a-approve.

    − ₱1,379.31
  4. Payslip

    Diretso sa email niya, kita ang absence. May isang CSV din para sa bangko.

    Naipadala kay Ana
  5. Remittance

    Handa na ang listahan para sa SSS, PhilHealth, Pag-IBIG at BIR, may due date pa.

    4 na filing, handa na
Subukan

Saan napupunta ang bawat piso ng sahod?

I-slide ang sahod. Ito mismo ang engine na nagko-compute ng totoong payroll, gamit ang SSS, PhilHealth, Pag-IBIG at BIR tables ngayong taon, dito lang sa browser mo.

Buong buwan, monthly-paid, walang allowance o absence, at hindi minimum wage earner. Sa totoong payslip, kasama rin ang attendance, leave, overtime at holidays.

Buksan ang buong sweldo calculator →
₱
₱10,000₱200,000
Take-home pay₱26,542.45
SSS₱1,500.00
PhilHealth₱750.00
Pag-IBIG₱200.00
Withholding tax₱1,007.55
Take-home
₱26,542.45
88% ng sahod
Gastos ng kompanya
₱33,980.00
sahod + ₱3,980.00 na employer share
Compliance

Nasa loob na ang mga patakaran, hindi pahabol lang.

May petsa ang bawat rate, kaya tables ng Marso ang gamit sa run ng Marso, at tables ng nakaraang taon kapag may inaayos sa nakaraang taon. Kapag may kulang, sasabihin agad ng inputs check kung ano ang epekto bago ka pa mag-compute.

SSS, kasama ang MPF

Regular at MPF share mula sa kasalukuyang contribution schedule, hati sa mga cutoff ayon sa gusto mo.

PhilHealth at Pag-IBIG

Ang 5% na PhilHealth, hati ang employer at empleyado. Pag-IBIG na 2% hanggang ₱10,000, pati voluntary contributions.

BIR withholding

Graduated TRAIN table kada cutoff, annualization sa huling sahod ng taon, at BIR 2316 para sa bawat empleyado.

Holiday at premium pay

Regular holiday 200%, special day 130%, pati rest day, overtime at night differential, batay sa opisyal na proklamasyon.

13th month pay

Naiipon mula sa basic pay simula Enero, at bantay ang ₱90,000 na tax exemption buong taon.

Filing calendar

Buwanang listahan kada ahensya mula sa approved runs, may due date, reference number, at kung magkano ang nabayad.

Paglipat

Lumipat ngayong Oktubre. O kahit anong buwan.

Hindi mo na kailangang hintayin ang Enero. Piliin kung saang cutoff ka magsisimula, i-upload ang lahat sa isang sheet, at ilagay ang naibayad na ngayong taon para tama pa rin ang tax sa Disyembre at ang bawat 2316.

  • Setup na may gabay

    Anim na maiikling hakbang. Makikita mo kung ano na ang ayos at ano ang epekto kapag nilaktawan mo.

  • Isang import sheet

    Detalye, sahod, IDs, bank accounts at year-to-date figures, chine-check muna sa grid bago i-save.

  • Unang run na nagche-check ng sarili

    Kita kung sino ang hindi kasama at bakit, anong registration ang kulang, at aling holiday ang hindi pa kumpirmado, bago ka mag-compute.

I-setup ang payroll
0 sa 6, tapos na
  • 1
    Kompanya at legal entity
    TIN, SSS, PhilHealth at Pag-IBIG numbers
  • 2
    Pay schedule at unang payroll
    Simula Okt 1 · sahod tuwing 16 at 1
  • 3
    Leave, holidays, shifts
    15 vacation, 15 sick leave kada taon
  • 4
    Mga empleyado
    48 tao, isang sheet lang
  • 5
    Year-to-date figures
    Enero hanggang Setyembre, galing sa dating provider
  • 6
    Approvals at team
    Accountant ang maghahanda, ikaw ang mag-a-approve
Handa na para sa unang run →
Kontrol

Pera ang pinag-uusapan dito. Dapat sigurado.

Dalawang tao sa approval

Isa ang naghahanda, iba ang nag-a-approve at nagla-lock. Kung solo ka lang, pwede mong i-approve ang sarili mong run, at naka-record pa rin ang bawat hakbang.

Audit log

Lahat ng pagbabago sa sahod, empleyado at settings: sino, kailan, at ano ang dati at bagong value.

Roles at self-service

Owner, payroll admin, approver, HR, manager, timekeeper, auditor. Kita ng bawat empleyado ang sarili nilang payslip, leave at attendance.

Hiwalay ang data

Nakahiwalay sa database ang records ng bawat kompanya. Ikaw ang magbibigay ng access sa support, may expiration, at pwede mong bawiin kahit kailan.

katapusan na sa 1 araw

Gawing walang drama ang susunod na sahod.

Sabihin mo lang kung kailan ang susunod na sahod. Ang setup na ang bahala sa iba, at walang lalabas na bayad hangga’t hindi mo ina-approve.

Causaro · Kinsenas at katapusan, walang sablay